Tingin sa iyo'y isang putik, larawan mo'y nilalait Magdalena ikaw ay 'di maintindihan Ika'y isang kapuspalad, bigo ka pa sa pag-ibig Hindi ka nag-aral, 'pagkat walang pera REFRAIN Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini napadpad Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad Hindi mo man ito nais, ika'y walang magagawa 'Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo Tiniis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan Ang pangarap mo, maahon sa hirap [Repeat REFRAIN] CHORUS Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan Magdalena, Magdalena Ibig mo nang magbago at mamuhay na nang tahimik Ngunit ang mundo'y sadyang napakalupit Hanggang kailan maghihintay, hanggang kailan magtitiis Ang dalangin mo, kailan maririnig AD LIB [Repeat CHORUS]