'Di ko na inisip na magkakalayo Sabi mo sa akin ay mahal mo ako Ngunit anong nangyari Pag-ibig mo'y binawi Ngayong pasko nag-iisa ako Noong araw tuwing pasko Ika'y naglalambing At ang tamis ng pag-ibig Ay kapansin pansin Ngunit wala na yatang natitirang pag-asa Ngayong pasko nangangarap ako CHORUS: Sana naman ay makapiling kang muli Hindi mo lang alam Na ikaw ang tanging minimithi O giliw ko, Sana'y malaman mo Na ang hiling ng puso ko'y ikaw Ngayong pasko Bakit ba mapaglaro ang tadhana Nung huling pasko'y nandito ka Ngayon ay wala Hanggang kailan ito Nawala sa piling mo Ngayong pasko ikaw ang nais ko (REPEAT CHORUS) At kahit wala ka na Mahal pa rin kita (REPEAT CHORUS)