sa pag mulat ng aking mata ako'y ginising ng ihip ng hangin ang sikat ng araw, makulay sa tabi ng ilog parang may tumatawag, pabulong ako'y lumapit sa puno'y may natanaw dumilim ang araw bumigat bigla ang aking dibdib tibok ng puso'y bumilis ako'y hindi mapakali, ako'y naduduwal sa pagtitig ng kanyang mata ako'y kanyang hinusgahan ligaya kong naramdaman binawi sa akin at hindi ko maalala kung saan galing ito mga bahid ng dugong dumikit sa aking mga kuko tumakbo, lumayo sa lugar na 'to lalamunan ko'y tuyung-tuyo tumakbo, lumayo sa titig mo sa mata ng Diyos biglang umikot ang paningin liwanag ng araw biglang dilim malambing na ihip ng hangin ngayon ay matalim ako'y nawala sa aking sarili pati ang lupa'y gumanti bato't bundok at puno man sumisigaw, sumisigaw... at ngayon ko nakikita ang lahat ng kasalanan, tinaboy sa ulan init at kamunduhan tumakbo, lumayo sa lugar na 'to lalamunan ko'y tuyung-tuyo tumakbo, lumayo at magtago sa mata ng Diyos mata ng Diyos... inalok ako ng isang ahas pula't matamis na mansanas pilit ko man hindi makaiwas sa mata ng Diyos